sea level (si lé•vel) : pahalang na plane o pátag na may kaugnayan sa rabaw ng dagat na nagsisilbing batayan sa pagsukat ng taog at káti ng tubig
sea lion (si lá•yon) : seal (genus Zalophus o Otaria) na mata-tagpuan sa Pasipiko at may malalakíng tainga
sea lily (si lí•li) : echinoderm (class Crinoidea) na kahawig ng lili, may mahabàng tangkay, at tíla balahibo ang mga galamay na ginagamit sa pangunguha ng pagkain
carabao grass (ká•ra•báw gras) : kumakalat na damo (Paspalum conjugatum) at may mga dahong makitid, sapád, at 20 sm ang habà, katutubo sa tropikong Amerika ngunit laganap na ngayon sa buong Filipinas
sea bass (sí bas) 1: alinman sa mga isdang-alat (family Serranidae) 2: alinman sa mga katulad na mga isdang-dagat na kinakain